Heart, ipinarada na ni Sen. Chiz sa Sorsogon!


Heart, nag-enjoy sa buhay-probinsiya!

Makikita sa Instagram account ni Heart Evangelista ang bakasyon na ginawa nila sa mismong probinsya ni Sen. Chiz Escudero, ang Sorsogon. At base sa mga post na pictures ni Heart, super-enjoy talaga siya, sa ilang araw na buhay-probinsiya na ipinatikim sa kanya ni Sen. Chiz.

Heart Evangelista, Senator Escudero’s amore. Image via http://www.abante.com.ph

Para ngang first time niyang uminom ng sabaw ng buko na galing mismo sa shell nito, at tumikim ng masasarap at sariwang lamang-dagat.

Pero, kaaliw talaga si Heart, dahil kahit sa byaheng ‘yon ay bitbit pa rin niya ang kanyang mga alagang aso. At todo-pictorial din.

Ipinakilala na rin ni Sen. Chiz sa ilang pulitiko sa Sorsogon. At ano pa nga ba ang meaning nun? Puwede na ngang isipin na naghahanda na talaga si Heart na namnamin ang buhay pulitika, o buhay ng isang first lady, na siya namang sinasabi ng iba, na magiging kapalaran ni Heart, sa piling ni Sen. Chiz.

Well, si Madame Imelda Romualdez Marcos kaya ang peg ni Heart? Eh, si Heart naman, sanay na sa showbiz, at knows na talaga niya kung paano makisa­lamuha sa lahat ng klase ng tao.

The original article is published at Abante Online on August 23, 2014.

This entry was posted in Personalities and tagged , , , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s