Lover, misis pinagtataga ni mister, kritikal


LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Nasa kritikal na kondisyon ngayon sa pagamutan ang isang misis at 26-anyos na binata, na umano’y kalaguyo nito matapos na pagtatagain ng mister ng ginang nang ma­abutang magkasiping sa loob ng bahay ng lover ng asawa sa Brgy. Sampaloc, Sorsogon City kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ang mga biktima na sina Melinda Janer, 39, at umano’y lover nito na si Renante Malazarte; kapwa residente sa lugar.

Pinaghahanap naman ang suspek na si Felixberto Janejr Jr., 44-anyos, asawa ni Melinda na mabilis na tumakas.

Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1:30 ng madaling-araw nang sugurin ng nasabing mister ang tinutuluyan ng ka­laguyo ng asawa nang may makapagsabi ritong nakita ang ginang sa loob ng bahay ng lover nito.

Nang maaktuhan ang dalawa ay pinagtataga ito ng suspek na bagaman naka­sigaw pa ang ginang upang bigyang babala ang lover ay  hinarang ito ng kasamahan ng kanyang mister na nagsilbing look-out sa insidente.

Nabatid na ang ginang ay may isang buwan nang hiwalay sa kanyang mister matapos itong sumama sa kanyang lover. Iniimbestigahan pa ang kaso.

The original article is published at Philippine Star on August 24, 2014.

This entry was posted in Local Security and tagged , , , , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s