Sorsogon mayor dinismis ng Ombudsman


ISANG mayor at dalawa pang opisyales sa isang bayan sa Sorsogon ang napatunayang nagkasala ng “grave misconduct” ng Ombudsman dahil sa mga ginawa nilang cash advances sa kaban ng bayan.

Ito ang inilabas na desisyon ng Ombudsman noon pang Hunyo 13, 2013 na nagpapataw ng “dismissal from service with cancellation of eligibility, forfeiture of benefits, perpetual disqualification from holding public office and bar from taking civil service examination pursuant to Section 10, Rule III, Administrative Order (AO) No. 7 as amended by AO No. 17 in relation to Section 25 of Republic Act No. 6779” laban kina Sta. Magdalena, Sorsogon, Mayor Alejandro Gamos; municipal treasurer Virginia Laco at municipal accountant Rosalyn Gile. Ang desisyong

English: Map of Sorsogon showing the location ...

English: Map of Sorsogon showing the location of Santa Magdalena (Photo credit: Wikipedia)

ito ay pinagtibay ni Ombudsman Conchita Carpio Morales.

Nag-ugat ang kasong administratibo laban sa tatlong opisyales nang sampahan sila noong 2008 nina dating Konsehal at ngayon Bise Alkalde Jocelyn “Teyen” B. Gallanosa at ex-Konsehal Joselito “Lolang” G. Robillos ng grave misconduct sa Ombudsman dahil sa “52 cash advances” na kanilang ginawa simula pa nooog Agosto 2004 hanggang October 2007 sa pondo ng bayan na nagkakahalaga ng P8.207 milyon sa walang kadahilanan. Ito ay base na rin sa isinagawang special audit report ng Commission on Audit sa pondong lumabas sa kaban ng bayan na nagsabing ang mga kinuha sa pondo ay hindi man lang nakatala sa book of accounts.

Base sa findings ng Ombudsman, ang mga aksyong ginawa ng tatlo “made them liable for grave misconduct, the elements of corruption, clear intent to violate the law or flagrant disregard of established rules were manifested from the acts or omissions of the respondents.”

Ayon kina Gallanosa at Robillos, hindi nila matukoy kung saan napunta ang perang pinagkukuha ng mga akusado dahil sa wala naman silang makitang posibleng pinagkagastusan nito. Batid nila na kung hindi matutuldukan ang mga iligal na aksyon na ginagawa ng mga akusado, magpapatuloy pa rin ito sa kanilang lihis sa daang tinatahak.

Dahil dito, inatasan na ng Ombudsman ang mga kalihim ng Department of the Interior and Local Government at Department of Finance na ipatupad na ang pagdi-dismiss sa serbisyo kina Gamos, Laco at Gile ayon na rin sa sinasaad ng AO No. 7.

The article is from Journal Online and published on the 16th of September, 2013.

This entry was posted in Corruption, Crime and tagged , , , , , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s